Oras na!!

Tuesday, January 04, 2011

NEW YEAR not a RESOLUTION

'Pag natatapos ang taon, lahat tayo ay may nakahandang new year resolution na kalimitan di naman natutuloy. Tama? Pero para sa akin, masasabi nyong New Year Resolution itong aking sasambitin, pero hindi talga.. at sanay masimulan ko ng TAMA! :)

Eto ang nasa aking listahan.


1. Facebook de-activation. OO. Nag deactivate na ako ng facebook ko noong bisperas ng Pasko (24th of Dec. 2010). See! nakaya ko! nauubos kasi ang oras ko kaka-facebook. Sabi ng aking kaibigang tawagin natin sa pangalan na jeric.. "Hindi mo kaya yan".. naisip ko.. what's more kung sa ibang bagay ako sabihan ng ganyan.. kaya ginawa ko dahil alam kong kaya ko.. di ba?

2. Yahoo Mail. May kaugnayan paren ito sa Facebook pero di ito tungkol sa deactivation ng account ko. Ang ibig kong sabihin ay, mas nabibigyan ko ng priority ang Messages. Dati kasi mas nauuna kong buksan ang Facebook kesa sa YMail ko. So imbes na magreply ako sa mga messages eh naubos na ang oras ko sa Facebook. Pero di ko sinisisi ang Facebook. Haha.

3. MORE Books. Yes! dati noong mga nakaraang madaming taon ang lumipas. Mahilig talga akong magbasa ng libro, magazines like Almanacs, bumibili ako taon taon.. Gusto ko talgang magbasa at magbasa..

4. Internet for INFORMATIVE ARTICLES. Yes. Ngayon babaguhin ko na ang mundo ko sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga atikulong pangkarunungan. Ngayon, nagagawi na ako sa Wikipedia palagi and take note.. naka-bookmark na sya.. kasama din ang Urban Dictionary (salamat kay francine prietto) nakuha ko ang site na yan noong nakikinig ako ng dzMM via online stream. May natutunan naman ako kahit paano. Architizer, para sa mga arkitektong tulad ko.. naiinspire ako sa mga design na moderno lalo na't kelangan ko din ng sariling kalinangan habang nagsisimula ako ng aking karera.

5. ARTWORKS. Yes! Ulet! Naalala ko, noong highskool ako eh mahilig ako mangolekta ng Gel-ink pen.. halos nauubos ang baon ko para lang bumili ng mga Gel-ink pens. Noong nagpunta ako sa Singapore nong nakaraang buwan (Disyembre) nagpunta ako sa Kinokuniya, isang bookstore at stationery shop sa Takashimaya, nakita ko ang isang Urban Noir Paper Book, at daglian kong binili kasama ang isang dosenang Gel-ink pen. Masaya ako. Unti-unting bumabalik ang aking kasanayan sa pagguhit. (visit pinkthistle.deviantart.com) Alam ko, di pa kagandahan ang aking simula, pero alam ko maiimprove ko din ito sa takdang panahon at kailangan ko lang ng matinding pagsasanay.

6. Twitter. May palagay ang loob ko sa twitter. Walang nagcocomment. Walang naglalike. Napaka positibo ng twitter sa akin. Kaya kasama ito bilang bahagi ng komunikasyon at pagliliwaliw.. anu daw?? wala lang masabe! hahaha. follow me. (@imsolitary_arch)

7.BLOGGING. eto na!! inumpisahan ko na!




Sana maging maganda ang pasok ng taon para sa akin at syempre sa inyo din.





No comments:

Post a Comment

Friends and friends and just friends. :)