Oras na!!

Saturday, February 04, 2012

Memorable Buildings of 2012.



Yey. Parang ambilis ng isang taon. 2012 na. Parang kelan lang. Thanks God at nabigyan ako ulet ng pagkakataon na makapamasyal sa ibang lugar. Maraming nangyaring masasaya sa 2011 ko, at siyempre highlight na dito ang pagpunta ko sa Hong Kong at Macau nung early week of October with some friends. At siyempre din isa sa mga pakay ko ang mapuntahan ang mga gusali o buildings na dinisenyo ng mga sikat na arkitekto, sabi nga nila e STARCHITECTS. 

Umpisahan na natin.






(Ang larawan na ito ay likas na kuha ng aking camera)




International Commerce Center. West Kowloon. Hong Kong. Habang naglalayag kami ng aking kaibigan mula Macau patungong Hong Kong. Una agad sa nakita ko ang isa mga kilalang skyscraper sa buong mundo. Tinatayang may 108 na palapag ito na matatagpuan sa tabi ng karagatan ng Victoria Harbor. At ang natatanging grupo na nagdisenyo nito ay ang Kohn Pedersen Fox Associates.





(Ang larawan na ito ay likas na kuha ng aking camera)


Bank of China Tower. Hong Kong. Hong Kong. Pagtapak pag tapak ko palang sa pier ng Hong Kong. Ito kaagad ang sumambulat sa aking mga mata. Nakaramdam ako ng kilabot dahil ako medyo namangha talaga ako kumbaga ang tawag nila e Jesus Christ Phenomenon at talgang mapapa-OMG ka. Dati kase nakikita ko lang itong gusali na ito sa mga libro at nabasa ko ang isang coffee table book ni I.M. Pei na syang nagdisenyo ng gusaling ito. Nakatala dun sa coffee table book ang mga masterpiece in Pei.






(Ang larawan na ito ay likas na kuha ng aking camera)


Two International Finance Center. Hong Kong. Hong Kong. Sa pagbabaybay namin sa patungo sa aming lakarin, sa aking kabila naman nakita ko ang isa din sa prominenteng skyscraper sa mundo. Sa isip ko hugis electric cutter sa buhok. Hahaha. Pero never mind. Ganunpaman madaming maipagmamalaki ang Hong Kong dahil na din sa matatag nilang ekonomiya na inilalarawan ng mga gusaling ito. Isa sa pamantayan ng maunland na bansa ang mga gusali base sa nabasa ko. Ang tanyag na gusali na ito ay dinisenyo ni Cesar Pelli na kilala rin sa pagdidisenyo ng Petronas Tower sa Malaysia (na akin nading nabisita noong 2010.) Ang gusaling ito at pang-walo sa matataas ng gusali sa buong mundo.






(Ang larawan na ito ay likas na kuha ng aking camera)




HSBC Building. Hong Kong. Hong Kong. At siyempre. Pahuhuli pa ang gusaling ito. Syempre hinde. Isa din ito sa highlight na gusto kong makita sa Hong Kong. Ang building na ito ay disenyo ni Lord Norman Foster. Ang gusali ay gawa sa bakal at makikita mo sobrang moderno ang pagkakagawa.








---


Ang buhay ay isang paglalakbay. Madami tayong madadaan, mga magagandang bagay. Sana gawin natin makabuluhan ang paglalakbay natin dahil minsan di natin alam kung kelan hihinto ang paglalayag. Gawing masaya ang buhay. Yun lang. Dahil todong nagenjoy ako. Sana mapuntahan nyo rin ito at alam kong may sarili kayong kwento bukod sakin habang tinatanaw ang mga gusaling ito. Happy trip! Looking forward this year!

Sunday, July 31, 2011

What's inside the solitary architect's bag :)





Reebok body bag (it is where i put all my stuffs and thingy)
Towels. Big and small. (Big one for my back sweat and small one for my face...)
Mobile Phones. N95 (to accept local messages from love ones) + Nokia 6230i (i used to send messages to love ones.) + iPhone 4 (the one i used to take this photo)
Esprit Umbrella.
Biogesic Tablets. 
Egg Vanity Kit.
Bench Fix Clay Doh.
Esprit Eu de toile.
Brush comb.
Toothpick.
Dettol Hand Sanitizer.
Watson Wet Wipes.
HP 500GB Portable Hard Disk Drive.
Verbatim (1GB) - i used this when i was in college, it contains my thesis files.
PQI (4GB) - it contains installers. (spoiled already :(( and i cant retrieved all my files.
D-Link (128) - my first ever pen drive, so expensive when the first time i bought it... 1300PhP that time.
iPod shuffle + charger.
iPhone charger + headset.


---



Thursday, March 24, 2011

Naalala ko nung bata ako...

Yung mga araw na pagkatapos bumuhos ang malakas na ulan sa hapon. Natutuwa akong pagmasdan ang mga nahulog na bulaklak ng sili mula sa puno nito. Hugis bituin kasi. Lumulutang sa naipong malinaw na tubig-ulan. 

Yung mga araw na ako ay naglalaro ng taguan. Nagtago ako sa bahay ng aso. Di ko alam nakatakas si Pido. Kinagat ako. Pinalo pa ako ng mama ko.

Yung mga araw na lagi kong naririnig ang mga lumang awitin. Naiirita ako pag pinapakinggan ko sila lalo na pag pinapatugtog sa lokal na istasyon ng radyo. Ngayon, sila naman ang naiirita pag paulit ulit kong pinapatugtog.

Yung mga araw na lagi akong inaaway at kinukutya ng mga kalaro ko. Lagi nila akong di sinasali sa mga laro. Minsan nalalaman ko kunyari lang nila akong kabati. Tapos mamaya, aawayin nila ako. Lumalayo nalang ako. Ngayon, sila na ang nakikipagkaibigan saken. Weird no.

Yung mga araw na naglalaro ako ng takbuhan, sikyo, siyato at taguan. Lalo na pag sumasali ako sa mga tinedyer o medyo matanda sa akin. Lagi nalang akong saling ketket o saling pusa. Di pwedeng mataya. Kaya di ko naeenjoy maglaro noon. Baket kaya?

Yung mga araw na wala akong brick game. Nakikinood lang sa  mga family computer. Ngayon. Meron na akong PSP. Desktop Computer. Laptop. DS. Ano pa bang mahihiling ko? Xbox? Playstation. Di ko na kailangan. Ako'y tumatanda na at abala sa trabaho. Wala nang panahon para maglibang. Mabilis na ang ikot ng mundo.

Yung mga araw na naglalaro ako ng alugbati. Lalo na yung maitim na tinta nito. Namantsaha ang damit ko. Nakita ng mama ko. Pinalo nya ako.Dahil sa tinta, ang tinta na naging instrumento kung ano ako ngayon. Minsan, namantsahan ulet ang damit ko. Pero di na nya ako pinalo. Dahil Arkitekto na ako.

Salamat sa karanasan. Na nagpatatag sakin, kung ano man at nasan man ako ngayon.

Monday, March 21, 2011

What Motivates You.





"If you wish in this world to advance, your merits you're bound to enhance; You must stir it and stump it, and blow your own trumpet, or trust me, you haven't a chance."


- W. S. Gilbert

Saturday, March 19, 2011

My Best Movies, so far... PART 1

Hindi ako mahilig manood ng sine. Susme. Baket pa? E kung pwede ko namang hintayin sa cable nalang. Hirap akong umintindi ng English eh. Haha. Hirap din akong pumick-up ng linya minsan. Mahina ang sense of humor ko sa English. Hindi naman ako bobo no. Haha.

Pero kung manonood ako mag-isa. Mas prefer ko yun. Dun ko mas naiintindihan ang movie. Dun ko nararamdaman ang emosyon. Para sa akin, once na tumayo ang balahibo ko sa isang scene, ibig sabihin nun, maganda yung palabas. Para lang sakin yun. Ewan ko sa inyo. Iyon ang pamantayan ko. Di ko maexplain kung baket. Pero basta yun yon.

Drama. Love Story. Yan ang hilig kong genre sa movies. Horror? Hindi. Sumasakit ulo ko pag nanonood ako. Pero nakakanood din naman ako kahit konting scene lang. Madali kasi akong managinip lalo na pag horror. Hahaha.

Let's start.



MISS CONGENIALITY 2. OO. Alam ko ang ilan e baka makornihan saken. Pero gusto ko itong movie na ito. Naalala ko, ang istorya neto eh yung kinidnap yung bestfriend nyang beauty queen. Tapos syempre medyo nafo-fall na sya sa co-agent nya. Astig talga si Sandra sa acting, mapa-comedy or drama. 


THE LAKE HOUSE. Wow. Paboritong paborito ko talaga ang movie na ito. Sobra. Madaling araw ko ito pinanood noon. Mga 2am then natapos na ng mga 3:30am. Haha. The characters are portrayed by Sandra Bullocks as Kate, isang doctor and Keannu Reeves as  Alex, isang architect. Medyo nakarelate ako dito dahil sa propesyon ni Keannu. Pati yung setting ng 'The Lake House'. Nabubuhay sila sa magkaibang panahon at oras. Hay. Ang original neto ay from Korea. 'Il Mare' ang pamagat. Pero nabigyan nila ng hustisya ang pelikula in an English adaptation. Syempre, isa sa mga soundtrack nito ay 'Somewhere Only We Know' by Keane. 


WINDSTRUCK. Sabi ko noon. Hindi ako nagagandahan sa mga Korean movies. College pa ako noon. Uso ang friendster pa noon. Nababasa ko sa mga profile ng mga friends ko Movies nila e 'Windstruck'. Di ako familiar sa movie na yun. Malay ko ba. One time. Yung classmate ko. Si Marc Liceralde. May dala syang DVD compilation ng Korean Movies. Tiningnan ko. Sabi nya kung gusto ko daw hiramin. Sige, sabi ko. Nakita ko yung Windstruck. Then, Linggo ng madaling araw, pagkatapos ng Master Showman. Doon ako nagumpisang manood. Prefer kong manood ng madaling araw para walang maingay at gusto ko solo lang. Mas naiintindihan ko kasi. Then ayun. Nakakatawa ang istorya. Medyo brutal nga lang. Haha. Pero love na love ko yung flow ng story. Yung sa simula sila nagkakilala. Dun ako nagumpisang umiyak nung nahulog sa bangin yung sinasakyan nila. Then si Kyeung-jin e sinave si Myung-woo. Hahaha. Medyo kabisado ko name nila. Halos 20th times ko na to napanood. Meron akong kopya sa laptop ko at sa PSP. Pinaka umiyak ako dun sa scene na, nagsosorry si Kyeung-jin nung huling araw ni Myung-woo sa lupa. Then sabi nung lalaki, na hindi SORRY ang pangalan nya... Hay! sobrang na-touch ako... Then ayun. di ako makagetover sa movie. hanggang sa buong araw ng Linggo. Nasa isip ko yung movie. Then pinanood ko ulet nung nasa ofice ako, Hahaha. Umiiyak ako habang nagka-CAD. Haha. Nakita ng officemate ko kung ano daw pinapanood ko. Shinare ko sa kanya. Ayun.. Sabi nya naiyak din sya. Hahaha. Until now. I really love this movie.


ONE MORE CHANCE. Haha. Di kayo nagkakamali. Di ako mahilig manood ng movie sa lagay nito. Medyo di ko maappreciate minsan yung mga Pinoy movies. Pero dito nabago ang pananaw ko. Kabisadong kabisado ng friend ko ang mga linya ng pelikula. Eto siguro ang masasabi kong da-best ng Tagalog movie na napanood ko... so far. Sino bang di makakalimot kay Popoy at Basha moment... Gusto ko din yung mga character... as usual related ulet sa profession ko. Arkitekta si Basha at Inhinyero Sibil si Popoy. Astig talga. 


BICENTENNIAL MAN. Napanood ko ito nong nanghiram ako sa kapitbahay namen ng mga DVD nila. I like the story kase may moral lesson sya, and most of all, naiyak ako sa istorya. The character was portrayed by Robin Williams. Ang istorya ay nagsimula nong inadopt ng pamilya ang robot para maging katulong. Wow. Higg-tech diba. Hanggang sa lumipas ang mga generation na halos namamatay na lahat maliban sa kanya. Nagpunta sya sa isang robotic center para magrequest na maging katawang tao. Ayun nga. Nangyari naman. Hanggang na fall in love sya sa 4th generation na angkan ng kanyang amo. Doon na nya naranasang tumanda. Maramdaman ang pag-ibig. Hanggang sa dumating ang isang araw na pinag-pupulungan sa UN ang pagiging ganap na niyang TAO. Halos nabuhay sya ng matagal. Methuselah - hango sa Bibliya na nabuhay ng matagal na panahon. Hanggang sa binawian sya ng buhay kasama si Portia. Nandun din si Galatea - isang nurse na robot na naging tao na rin. Mas kinurot ang puso ng sinabi ni Portia na 'See you soon'. Hay.. doon lalo tumulo ang luha ko. Haha. Ang theme song ng movie na ito ay may pamagat na 'Then You Look At Me' ni Celine Dion.


Eto na muna sa ngayon. Meron pa akong nakalista. Ida-draft ko muna. :))




Friday, March 18, 2011

When Life Gives you Lemon, Make an Apple Juice.

'Simply means, despite all the challenges you've encounter, face it positively. Every hurdles can be leap. Problem is not ended with a problem. Like a salt that you put in a glass water, then we called it SOLUTION.'


This is my lesson for today.

Friends and friends and just friends. :)