Oras na!!

Sunday, February 06, 2011

Rubber Shoes.

Happy February!

I am so happy. Nandito ako sa Singapore now. I am happy. Kasi sobrang excited akong bumalik dito. Haha.
Well. Madami akong plano for now. Most of all, syempre makahanap ng work and earn. Then ang aking favorite part -- ang diet.

Since the January came. Sinabi ko sa sarili ko na kelangan kong magbago. Personally. Emotionally. Physically. For it benefits myself, in many ways. I want to be slim. I want to be like him. I want to wear this. I want to wear that. Syempre hindi naman lahat ay pwede lalo na big built ng katawan ko. Lack of discipline. I mean it. Pero I can't blame myself. Sobrang sarap kumain. Kahit sino naman diba.

Before. Lagi kong sinasabe. Bukas magdadiet na ako habang lumalantak ng pagkain. Ay! next week nalang.. Ay! Next month nalang. Hanggang sa inabot na ako ng taon. Haha.

But finally. This is it. I'm fully decided. Todo na.

Kahapon. After kong umattend ng Misa sa Novena. Nagpunta ako sa Orchard. Plano ko kasing bumili ng rubber shoes since last year pa. Nagtingin ako sa 'Pinas. But napaka mahal naman. Eh, ipangtatakbo ko naman at hindi ipapamporma. Kaya naghintay ako ng pagkakataon. Sinabe ko na, sa Singapore nalang ako bibili ng rubber shoes para mura - minsan kasi, maraming sale lalo na ngayon Chinese New Year pa. Pumunta ako sa Takashimaya Mall. Pumunta muna ako sa Kinokuniya. Tumingin ng mga Interior design magazines and architectural books. Nakapili na ako. Handa ko nang bayaran. Ngunit. Naisip ko na bibili pa ako ng rubber shoes. Ang hirap magdecide. Kung ano bang pipiliin ko. Libro or Rubber Shoes? Binalik ko sa shelves yung libro.May halong panghihinayang. Ang ganda nung libro. Ang title - How to start your Own Design Firm, S$49.00 ang presyo. Hay! Gusto ko na talgang bilhin. Ang budget ko lang kasi is S$50.00 para sa luho ko. Hay! Hay! Hay! Kaya nabili ko nalang ay mga magazines. Ok na.

Paglabas ko ng Kinokuniya bookstore. Bumaba ako hanggang sa ground floor. Pagkakita ko. Gosh! Sale. May mga nakita akong sapatos. Sh*t. Eto na ang hinihintay kong oras at pagkakataon. Nagmamadali ako. Nakasakay sa pababang escalator. Gosh. Sobrang mura ng rubber shoes. halos 50%-70% off. Naghanap ako ng kasyang sapatos. Naku! napakahirapm ko pa naman maghanap ng sapatos kasi sa laki ng paa ko na 12-13. Kaya medyo nawawalan ako ng pag-asa. Sa Nike section. Hindi ako mahilig sa rubber shoes lalo na kung branded. Ang huling rubber shoes ko ay noong 2nd year highschool pa ako. Grant Hill V - Fila, ang brand. Nagtanong ako sa staff. Kung may available bang design na 12 ang size. Any design. Hindi na ako mapili. Dahil bihira din ang size na 12. Sabi nya. Wala na. Hay! Nalungkot ako. Pero hindi ako nawalan ng pag-asa. Kinalkal ko ang mga kahon at naghanap ng 12-size na sapatos. Sayang. Naunahan ako ni kuya. Kapwa Pinoy. Naunahan nya akong bilhin yung Black and blue na kulay na size 12. Hay. Halukay parin ako. May nakita akong size-12 na box. Kinuha ko. Im so shocked. I like the design. Simple. Hindi makulay. Syempre tiningnan ko ang price. Gosh! S$65.00!! Agad kong kinuha ang sapatos. At walang dalawang-pagiisip. Humingi na ako ng payment slip at handa ko nang bayaran. Ang saya ko. Haha.


Ngayon. Ginamit ko na sya. Nagjogging at walk-a-thon ako sa Yishun Park. Kakaiba ang pakiramdam. Ang sarap ng bagong sapatos. Ang sarap gamitin. Haha. Sana magtuloy tuloy na ito.

No comments:

Post a Comment

Friends and friends and just friends. :)