Oras na!!

Saturday, March 19, 2011

My Best Movies, so far... PART 1

Hindi ako mahilig manood ng sine. Susme. Baket pa? E kung pwede ko namang hintayin sa cable nalang. Hirap akong umintindi ng English eh. Haha. Hirap din akong pumick-up ng linya minsan. Mahina ang sense of humor ko sa English. Hindi naman ako bobo no. Haha.

Pero kung manonood ako mag-isa. Mas prefer ko yun. Dun ko mas naiintindihan ang movie. Dun ko nararamdaman ang emosyon. Para sa akin, once na tumayo ang balahibo ko sa isang scene, ibig sabihin nun, maganda yung palabas. Para lang sakin yun. Ewan ko sa inyo. Iyon ang pamantayan ko. Di ko maexplain kung baket. Pero basta yun yon.

Drama. Love Story. Yan ang hilig kong genre sa movies. Horror? Hindi. Sumasakit ulo ko pag nanonood ako. Pero nakakanood din naman ako kahit konting scene lang. Madali kasi akong managinip lalo na pag horror. Hahaha.

Let's start.



MISS CONGENIALITY 2. OO. Alam ko ang ilan e baka makornihan saken. Pero gusto ko itong movie na ito. Naalala ko, ang istorya neto eh yung kinidnap yung bestfriend nyang beauty queen. Tapos syempre medyo nafo-fall na sya sa co-agent nya. Astig talga si Sandra sa acting, mapa-comedy or drama. 


THE LAKE HOUSE. Wow. Paboritong paborito ko talaga ang movie na ito. Sobra. Madaling araw ko ito pinanood noon. Mga 2am then natapos na ng mga 3:30am. Haha. The characters are portrayed by Sandra Bullocks as Kate, isang doctor and Keannu Reeves as  Alex, isang architect. Medyo nakarelate ako dito dahil sa propesyon ni Keannu. Pati yung setting ng 'The Lake House'. Nabubuhay sila sa magkaibang panahon at oras. Hay. Ang original neto ay from Korea. 'Il Mare' ang pamagat. Pero nabigyan nila ng hustisya ang pelikula in an English adaptation. Syempre, isa sa mga soundtrack nito ay 'Somewhere Only We Know' by Keane. 


WINDSTRUCK. Sabi ko noon. Hindi ako nagagandahan sa mga Korean movies. College pa ako noon. Uso ang friendster pa noon. Nababasa ko sa mga profile ng mga friends ko Movies nila e 'Windstruck'. Di ako familiar sa movie na yun. Malay ko ba. One time. Yung classmate ko. Si Marc Liceralde. May dala syang DVD compilation ng Korean Movies. Tiningnan ko. Sabi nya kung gusto ko daw hiramin. Sige, sabi ko. Nakita ko yung Windstruck. Then, Linggo ng madaling araw, pagkatapos ng Master Showman. Doon ako nagumpisang manood. Prefer kong manood ng madaling araw para walang maingay at gusto ko solo lang. Mas naiintindihan ko kasi. Then ayun. Nakakatawa ang istorya. Medyo brutal nga lang. Haha. Pero love na love ko yung flow ng story. Yung sa simula sila nagkakilala. Dun ako nagumpisang umiyak nung nahulog sa bangin yung sinasakyan nila. Then si Kyeung-jin e sinave si Myung-woo. Hahaha. Medyo kabisado ko name nila. Halos 20th times ko na to napanood. Meron akong kopya sa laptop ko at sa PSP. Pinaka umiyak ako dun sa scene na, nagsosorry si Kyeung-jin nung huling araw ni Myung-woo sa lupa. Then sabi nung lalaki, na hindi SORRY ang pangalan nya... Hay! sobrang na-touch ako... Then ayun. di ako makagetover sa movie. hanggang sa buong araw ng Linggo. Nasa isip ko yung movie. Then pinanood ko ulet nung nasa ofice ako, Hahaha. Umiiyak ako habang nagka-CAD. Haha. Nakita ng officemate ko kung ano daw pinapanood ko. Shinare ko sa kanya. Ayun.. Sabi nya naiyak din sya. Hahaha. Until now. I really love this movie.


ONE MORE CHANCE. Haha. Di kayo nagkakamali. Di ako mahilig manood ng movie sa lagay nito. Medyo di ko maappreciate minsan yung mga Pinoy movies. Pero dito nabago ang pananaw ko. Kabisadong kabisado ng friend ko ang mga linya ng pelikula. Eto siguro ang masasabi kong da-best ng Tagalog movie na napanood ko... so far. Sino bang di makakalimot kay Popoy at Basha moment... Gusto ko din yung mga character... as usual related ulet sa profession ko. Arkitekta si Basha at Inhinyero Sibil si Popoy. Astig talga. 


BICENTENNIAL MAN. Napanood ko ito nong nanghiram ako sa kapitbahay namen ng mga DVD nila. I like the story kase may moral lesson sya, and most of all, naiyak ako sa istorya. The character was portrayed by Robin Williams. Ang istorya ay nagsimula nong inadopt ng pamilya ang robot para maging katulong. Wow. Higg-tech diba. Hanggang sa lumipas ang mga generation na halos namamatay na lahat maliban sa kanya. Nagpunta sya sa isang robotic center para magrequest na maging katawang tao. Ayun nga. Nangyari naman. Hanggang na fall in love sya sa 4th generation na angkan ng kanyang amo. Doon na nya naranasang tumanda. Maramdaman ang pag-ibig. Hanggang sa dumating ang isang araw na pinag-pupulungan sa UN ang pagiging ganap na niyang TAO. Halos nabuhay sya ng matagal. Methuselah - hango sa Bibliya na nabuhay ng matagal na panahon. Hanggang sa binawian sya ng buhay kasama si Portia. Nandun din si Galatea - isang nurse na robot na naging tao na rin. Mas kinurot ang puso ng sinabi ni Portia na 'See you soon'. Hay.. doon lalo tumulo ang luha ko. Haha. Ang theme song ng movie na ito ay may pamagat na 'Then You Look At Me' ni Celine Dion.


Eto na muna sa ngayon. Meron pa akong nakalista. Ida-draft ko muna. :))




1 comment:

  1. hmm,,. bago lang po ako sa blog nyo, gaya nyo magiging Arkitekto din ako someday hehe.. (Sana) Pansin ko lang sanay na kayo sa puyatan hehe. add ko lang sa mga movie nyo yung "The Classic" at "My Sassy Girl"

    ReplyDelete

Friends and friends and just friends. :)