Oras na!!

Friday, January 09, 2009

Pista ng Kyapo

Magandang Araw!!!

Maaga akong nakapasok ngayon dahil sa pista ng Kyapo at dahil puputaktihin ako ng trapik at dahil din sa Byernes ngayon at dahil din talgang matrapik sa bandang V.Mapa at dahil din para maaga akong makapagpost ng Blog ngayong araw at para di ako maabutan at mapagalitan at mapatawag ulet sa CONFESSION ROOM...

Maaga akong nagising kanina, mga alas-5 y medya saktong-sakto narin dahil walang mga pasok ang mga Catholic Schools na malapit at tiyak na daraanan ng prusisyon ni Mahal na Nazareno. As usual, malamig ang tubig ng mga oras na iyon... hindi kaagad ako nakaligo... So, umupo muna ako at nagmunimuni sa labas ng bintana. Aking natanaw na trapik na sa C.M. Recto.. dahil sa mga sasakyang nag-reroute papunta sa kani-kanilang respetadong destinasyon. At ayun... bigla akong nagising at kelangan ko na palang maligo...Halos wala akong kakompetensya sa shower room ng aming dormitoryo... kasi yung iba nagsipaguwian na kahapon at yung iba naman ay kapiling ang kanilang mga kama at nakikipagbunuan at gumawa ng kanilang panaginip.. iba talga ang buhay trabaho sa buhay pag-aaral... miss ko na iyon!!


Naalala ko pala, iba pala talga ang karanasan pag PISTA NG KYAPO... hindi matatawaran ang mga debosyon ng mga tao , mapa-relihiyoso man o hindi... may kanya-kanyang kahilingang baon ang mga tao patungo kay Poong Nazareno. Noong January 2003, hindi ko makakalimutan ang araw na iyon sapagkat iyon ay araw ng pakikipag face-to-face ko sa Poong Nazareno. Nakita ko ang prusisyon na dumaan sa aking harapan. Kinilabutan ako. Ang mga pangyayari na nakita ko sa TV noon ay nakita ko ng personal. Parang gumaan ang pakiramdam ko noong mga panahon na iyon. Nakita ko ang synchronized na pagpadyak ng mga tao habang hila-hila ang lubid na nagmumula sa karo ng Poon. Ang mga tao sa paligid ay sabay-sabay na nagpalakpakan. Hindi ko maipalawanag ang mga pangyayaring iyon na nagdaan sa aking buhay. Samantalang makikita mo sa kaliwa't kanan ang mga sambahayan na nadadaanan ni Poon ay naghahagis at nagaabot ng tubig at pagkain para sa mga deboto. Iba talgang experience ang araw na iyon. Kinuha ko ang panyo ng aking ka-boardmate noong oras na iyon at inihagis ko sa lalaking nakasakay sa karo para ipahid sa Poon. Ang akala ko kasi noon na hindi na babalika ang panyo sa akin... maya-maya lamang at ito'y inihagis pabalik sa akin. At doon, nakalagpas na ang karo at patuloy parin ang prusisyon at narinig ko ang kalembang ng kampana ng San Sebastian... Hanggang ngayon, ilang taon man ang lumipas hindi ko parin malilimutan iyon.



Isa sa mga prominenteng deboto ng Nazareno ay si VP De Castro. Napapanood ko pa sya sa TV noong mga panahon na brodkaster pa sya. Hindi nya inalintana ang sikip, ang sakit, ang init ng panahon sa pagdiriwang... Hindi maipagkakaila na wala sa katayuan o karangyaan ang pananampalataya kundi ito tunay namumuhay sa puso ng bawat isa.









MABUHAY POONG NAZARENO!!!

your's trully,

frankiedoodles :-D

No comments:

Post a Comment

Friends and friends and just friends. :)