Oras na!!

Thursday, January 08, 2009

Sermon Day

Isang maulan na umaga!!! :-D

Hayst... para akong basang sisiw na naglalakad sa nangangalit na ulan. Wala kasi akong dalang payong. Hmmmp..


Di bale.. gusto ko pa rin umpisahan ang araw na ito na maganda at puno ng sigla. Habang kumakain ako ng SPANISH ROLL na binili ko sa EDSA-CROSSING... wala na akong oras na magliwaliw at maghanap ng mabibilhan. Almost 8:10 AM na!! ibig sabihin late na ko!!! Sumakay ako ng tricycle papunta sa building na pinagtratrabahuhan ko... hmmmpp... basa talga ako... hindi na ako comfortable.. gusot na ang in-almirol kong polo at mantsado ng patak ulan ang pantalon ko... huhuhu.. hindi na ko kumportable! heto nga't dumating ako ng 8:15 AM eksakto at may balak pang sumabutahe sa akin.. ang biometric id!!! at eto medyo nilalamig pa dahil sa ginaw ng aircon na naka cool-mode pa!! sigh....


CAPTION: Ang spanish roll while at ang aking workplace


Well... kahapon, January 07 ... naikwento ko ang panonood namin ng sine noong isang araw...

halos tipikal na araw lang ang nangyari kahapon.. late si Bethchee, late si Biankaness (salamat mare late si Sir EDP... at walang katapusang revision ng plano.. pero mukhang matahimik naman ang lahat... wahahaha... halos nakaupo lang ako kahapon.. mabibilang lang sa aking mga daliri kung ilang beses akong tumayo kahapon sa aking kinauupuan. Sobrang focus ko kasi kahapon sa trabaho ko (talga lang huh)... wahaha... syempre may mga pamatay oras din ako pag inaantok ako.. mga bandang 3:00 PM umidlip ako panandali upang mapagbigyan ang kahilingan ng aking katawan.. at ayun... ZZZZZZ... nagising nalang ako ng pinatugtog ang awiting LATER by FRA LIPPO LIPPI... halos isang buong araw ko naririning ang awiting iyon at tila naging last song syndrome ko hanggang sa matapos ang mag-hapon... walang masyadong plano para sa araw na iyo.. at pinag-ot ako kahapon hanggang 7:00 PM..





------PANINGIT-------





kaninang umaga napagalitan ako ng Supervisor namin kasi nahuli akong nag-nenet sa oras ng trabaho... huhuhu... kaya na-ipost ko na ito mga 12:00 NN..





------ END OF PANINGIT------



Late ko na na-ipost itong blog na ito na dapat kanina pang 9:00 AM.. i felt very sorry hanggang ngayon... wala akong karapatan magalit kasi totoong kasalanan ko naman talga... sorry po sir... hindi na talga mauulit.. tinawag nya ako at kinausap sa loob ng conference room. alam ko na talga yun ang mangyayari.. ANG SERMON. after that, ayun medyo apektado ako sa nangyari hindi ako makapagisip ng mabuti dahil narin sa kahihiyan. feeling ko tuloy nanliliit ako... haisssst... kaya nagfocus talga ako sa trabaho ko hanggang dumating ang tanghali..

hanggang dito nalang muna... marami sana akong nais ikwento kaso medyo nawala na ko sa aking momentum . kaya di ko alam kung magiging masaya pa ang buong araw ko... well... ika nga sa kanta THE SHOW MUST GO ON!!!

Sige!! kita kita ulet bukas!!!
kelangan kong maging positibo sa lahat oras...

go! go! go!

your's trully,

frankiedoodles

1 comment:

  1. at the end of the day magnda prn tau!!!

    tara bottom na!!

    ReplyDelete

Friends and friends and just friends. :)