Oras na!!

Thursday, January 13, 2011

Food Blog No.1: Tofu in Thickened Soy Sauce

Hi. I'm back again. Since eto ang first Food Blog ko. I want to share to all of you ang aking one of my specialty sa pagluluto. I love to eat. I love to cook. Passion ko din talga ang cooking. Alam ko simple lang ang iseshare ko sa inyo sa araw na ito. Sana, sa mga susunod na araw iseshare ko ang mga bigating foods for the heart. Nakakalimutan ko lang magpost dito sa blog minsan. At minsan nadedelay na din. Di ko na patatagalin pa.


Let's Begin.


Ingredients.

10 pcs. tofu (tokwa)
Soy sauce
Lee Kum Kee Oyster Sauce (any brand will do, mas prefer ko ang LKK)
Onion, grated
Honey
Peper
Cornstarch
Lemon Juice or Calamansi


How to do.

1. Iprito ang tokwa sa mainit na mantika. Panatilihin itong nasa mahina na apoy para maiwasan ang pagkasunog. 

2. Pagkaprito. Hanguin ito sa mantika. Ilagay sa paper towel para masipsip ang sobrang mantika. Itabi muna.


Sauce.

1. Paghaluin ang toyo, oyster sauce at honey. Haluin itong mabuti hanggang magsama ang oyster sauce at toyo. (Ang takdang dami ng toyo at oyster sauce ay depende kung gaano karami ang tokwa.)

2. Tadtadrin ang sibuyas. Hanggang sa maging pino. Ilagay sa mixture pagkatapos.

3. Maglagay ng kalamansi o lemon juice sa mixture. Budburan din ng pamintang durog.

4. Sa maligamgam na tubig, maglagay ng cornstarch. Yung sakto lang. Baka lumabas na sobrang lapot.

5. Paghalu-haluin ang TOKWA+SAUCE.

6. Ilagay sa maliit na kaserola. Ilagay sa apoy sa katamtamang init sa bilang na 2 minuto.



Ayan! Pwede na itong kainin. Mainam itong kainin kasama ng kanin. Pwede din itong kainin mag-isa bilang substitute sa rice. Yum yum!







No comments:

Post a Comment

Friends and friends and just friends. :)