Oras na!!

Saturday, January 08, 2011

The Girl Who Offered Me Her Toblerone.

It was July 22, 2010. Thursday. Kasal ni Masha.

My Plan for that Day.
5AM - Wake up
7AM - kelangan nasa Slex na ako.
7:45AM - Expected time na nasa Manila na ako. Punta sa St. Jude Church
8:00AM - Mass/Novena.
9:00AM - Fetch Chapeux (Danica) sa Condo nya.
10:00AM - Official Meet up with Luwi.
The rest. Travel to Tagaytay na.

Alarm ng cellphone.Gumising ako alas.5 ng umaga noong araw na yon. Feeling ko maaga ako makakarating sa Manila. Dahil din kasi sa Laguna ako nakatira at manggagaling that time. I was thinking na maaga pa ako at Yes! makakapagsimba ako sa St. Jude Church sa Mendiola. I am preparing myself. My clothes. My get up. At kung ano anong anik anik. Acessories achuchuchu. Halos 6am na ako nakaalis. Nagmamadali.

Sobrang expectation.

Gosh. Im in a hurry na. Nakasakay ako ng bus by 6:30am. Naiinip na ako. First trip pala. So kelangan punuin ang bus. So patience is a virtue. Naghintay ako. Dyahe naman kung bababa pa ako at lilipat ng ibang bus. Maganda pa mandin ang kinauupuan ko. Hanep. Wi-fi bus ang lola mo. So. Nagmamaganda ako. Kunwari may katext. Haha. Shet! Alas-7 na. Di paren umaalis. So i calmed myself that time. Medyo inis na ako. Kasi ba naman e anong oras pa ako dadating ng Manila. Ayaw kong tumingin sa orasan that time. Maski alam kong may malaking digital clock sa harapan ng bus. Parang inaasar pa ako na 7:30 AM na. Then narinig kong sumisigaw ang kundoktor na.. "DAL'WA NALANG AALIS NA"... tsk tsk tsk.. Pota naman.. yung palang uupo e sa drivers side. Hapet!

7:45AM. Sa wakas. Medyo nakaalis na ang bus sa terminal. Syempre. Rush hour. Medyo nagkakaroon ng build-up ng trapik. Gosh. Pag minamalas ka nga naman. Kung kelan ka nagmamadali. Totoo naman. Diba. Medyo antok ako. Gusto ko matulog. Pero di ako makatulog dahil na din sa excitement. Kaloka. Pero sa wakas. Nakaidlip ako. Wow. Smooth ng traffic. Comfortable. Wala sa vibes ko ang traffic. Alam ko naman na Thursday. Hindi Monday. Kaya walang reason para matrapik. ZZZZZ..

Biglang nagising ako sa sikat ng araw mula sa bintana. Kairita. Hindi ko kasi natakpan ng blinds ang bintana noon. Tendency. Nawala ang antok ko. Shet! Pagkakita ko. Gosh. Tsk. Tsk. Tsk. Traffic sa Alabang. Gosh. Shet. Shet. Grabe. Wala akong nasabe sa sobrang irita ko sa pagkakataon na yun. Napatingin pa ako sa de-p****ng digital clock na inaasar ako na 9:05 AM. Gosh. Wapakels. Kaya ko to. Ambagal ng usad ng sasakyan.Then i checked my cellohe that time. OO nga hindi talga mali ang oras. 9:35 na sa akin. Medyo advanced ng 30-minutes ang oras sa cellphone ko. One message Received. Nagtetext na pala si Luwi saken.

"Frank. Wer ka na?"

Di na muna ako nagreply. Sabi ko sa Manila nalang ako magrereply. Para alam nya na malapit na ako. Shet talga. Ambagal ng usad. Kung pwede lang lumipat ng sasakyan. Minamalas talga ako that time. Nasa SLEX parin ako. Malayo pa ako. Alas-9 na. San pa ako pupulutin nito. Sira na ang mood ko noong araw na yun. Sobra. Buti, paglagpas ng Alabang Overpass. Salamat naman Lord. Iniisip ko. Makakapagsimba pa kaya ako. Masisira yung Novena ko. Nakaka-4th Novena na ako that time. Meron kasi akong petition. Kaya importanteng makapag Novena ako. Nasira na yung plano ko noong araw na yun. Sana pala. Alas-4 ako gumising. Sana.. Sana.. puro sana!! Hush. Hush. Kalma paren ang kelangan ko. Maski naghuhurumentado ang kalooban ko that time.

9:45 AM. Buendia. Sa wakas. Nakarating din ng maayos. Nagtetext na ulit si Luwi. Nagreply ako. Sabi ko. "On the way na ako.." Sorry. Ganyan talga ako magtext. Kumpleto. Hindi ako nagshosort ng letters. Pero depende sa panahon. Pero madalang. Haha. Balik sa storya. Sakay ako ng FX. SM Fairview ang ruta. Trapik sa Taft. Gosh. Ano ba ito. Sana nag-LRT nalang ako. Huhu. Puro panghihinayang.Pero okay. Sige na. Tanggap ko na UNFORTUNATE ako noong araw na yon. Bumaba ako ng City Hall. Nagtaxi ulet. Papunta ng Mendiola. GOSH. Take note! Hindi alam ng driver ang Mendiola. Ano ba to! Sabi ko sa sarili. Sige. Sabi ko sa driver.  Ituturo ko nalang yung ruta. Ewan ko ba talga yung araw na yun. OK. Smooth ang traffic. Sa wakas. Nagpababa nalang ako sa CEU noon.  50pesos ang binayad ko. Hayst. Inisip ko ulit magpedicab ako para di  na ako maglakad. Aabutin na talga ako ng siyam-siyam. 10AM na. Tumatawag na den si Luwi. Di ko sinasagot. Mas lalo lang ako mapepressure. SORRY LUWI. This is the whole truth. :))

Sumakay na ako ng pedicab. Ang ineexpect ko panaman dun ako sasakay sa di-motor na pedicab. Gosh. Natyempuhan pa doon ako sa bisikleta na pedicam. Take note. Ulet! ang driver ay bata. Okay kalang. Sa bigat kong ito. Ikaw magmamaneho. Sambit ko sa sarili ko. Gosh. Iritable na talga ako. Wala akong nagawa kundi sumakay. Habang umaandar. Ramdam ko nahihirapan yung bata. Haha. Gosh. Natatawa ako na naiinis. Mixed emotion ika nga. Wala akong nagawa kundi bumaba. Eto bente. Bayad ko sa bata. Wala rin ako napala. Kundi maglakad.

Lakad hanggang makarating sa LaCo. Checkpoint. Sa wakas nakarating na ako ng St. Jude. Gosh. Tapos na ang misa. Kelangan ko ulit maghintay. Para sa susuonod. 10:15 na! Ano ba. Di ko na alam gagawin ko noong panahong iyon. 10:30 ang susunod na misa. Ano. Please. Di ako makapagdesisyon. Di ko nadin alam ang gagawin ko. Kalituhan ang naguumapaw sa akin noong umagang yaon. Naglalabasan na ang tao. Pumasok ako. Sumawsaw sa holy water. Nag-antanda. Naghanap ng bakanteng upuan. Umupo pasumandali. Huminga ng kaunti. Sabi ko sa sarili. Magdadasal na lang ako. Lumuhod ako. Nagdasal. Hindi na ako nagtagal pa sa simbahan. Hindi ko narin nahintay ang misa. Nagmamadali ako. Panghihinayang. Panghihinayang na naputol ang petisyon ko. Sirang-sira ang plano ko.

10:30 na. Nagaabang ng taxi papunta kila Danica. Tumatawag na si Danica saken. Di ko nalang din sinasagot. Naiinis na ako sa sarili ko. Palpak. Im such a loser. That time. Naghihintay na ako ng masasakyan palabas. Ang hirap. Nasa compound kasi ako ng Malacanang. Nagtagal ako ng kaunti. Naglakad ulit ako palabas. Sa wakas. Nakahanap ako ng taxi. Wow. Sosyal ang taxi. First impression ko. Walang gasgas. Yun naman pala. E hindi naman pala taxi. Nangongontrata. Sabi ko. Manong sa ESPANA po. Gosh. 180Pesos daw ang singil.  Sabe ko. Ang mahal. Sabe ko 80pesos lang ang madalas na patak patungo doon. Sabe nya. Traffic daw. Wala akong nagawa. Kundi bumaba. Buti nalang hinatid nya ako palabas ng Malacanang. At humingi sya ng paumanhin. Dibale. OK lang. Hindi naman ako napagod palabas ng Malacanang.

Nag-abang ulit ako ng taxi. antagal. Quarter to 11 na. Tumatawag na si Luwi. Tumatawag na din si Danica. Litong lito na ako. Naisip ko na mag LRT at bumaba sa Katipunan.

FRANK WER KA NA. NASA BABA NA AKO. text ni danica.
FRANK WER KA NA. WAIT KA NMIN DITO. text ni luwi.
FRANK BABA NA BA AKO?. text ni danica.
FRANK TXT KALANG PAG MALAPIT KA NA. text ni luwi from different number
FRANK.. FRANK... gosh! litong lito na ako.

3 Missed Call.

Sa wakas. Nakasakay na ako ng taxi. Para sunduin na si Danica. Salamat. Nagshortcut si Manong. Di sya dumaan ng Espana. within 3 minutes nasa Condo na ako ni Danica. Pagbaba ko e nauntog pa ako. Tanga. Haha. Bumaba na ko. Then. Ang lande. Haha. Medyo narelieved ako ng kaunti. Dahil inokray ko si Chapeux that time. Sabe ko. Pabihis naman ako. Medyo pawis na ako. Alikabok. Pagod. Halo-halo.

Abang ulit kame ng taxi. Salamat. Di rin kami nagtagal sa kahihintay. Sumakay kami ng mabilis. Habang binabaybay namin ang kahabaan ng Espana. Kung saan naghihintay si Luwi. Upang kami ay kitain. Kwento. Daldalan kami ni chapeux. First time ulet namen nagkita noong taon na yon. Haha. Bihira magparamdam ang bruha. :)

HIGHLIGHT.

YES. nakarating na kame. 11:10AM. Bumaba kame sa KFC along Quezon Ave. Doon naghihintay samen si Luwi. Syempre. May carumba ang lolo mo. Sosyal. Hays. Sa wakas. Makakaalis na den. Haha.

Pagsakay namen. May isang babae sa unahan. Sa kanang bahagi ng upuan nakaupo. Sinalubong kami ng sweet smile. Loka. Mukhang sosyalera ang bruha. Maputi. Gosh. Virgin-virginan. Santa. Kaloka. Sabi ko sa isip ko.Frank, ngapala, Si Kaye. Girlfriend ko. Kaye. Si Frank. Si Danica. Pakilala nya samen.

"Hi".Sabi ng bagong misteryosang babaitang na pakilala samen.. Sabe naman namen. Hi. Girlfriend ka ni Luwi. Haha. Pambungad na pangaasar. Hahaha. Pero. Ang pinaka tampok na bahagi ng pagkakakilala namen. Kay Kaye. Inalok nya kami ng Toblerone.

Gusto nyo? Toblerone. Favorite ko kasi yan. Sabi ni Kaye.

Wow. Sinabe ko. How thoughtful. Sweet. Syempre. Sino ba ang hindi maamaze. Favorite food. Shineshare nya samen. Haha. Tumanggi akong kumuha. Kakahiya. Pero gusto ko that time. Haha. Medyo tom jones na ako. Haha. Pero. Amazing diba. Mali yung hinala ko na supladita ang lola mo. Haha. Pero its nice. Its cool. I love her dress that time. Sana meron din ako. Insekyora ang lola mo. Strapless. Keri. Aprub.

And the travel goes on. Ayon. Syempre. Nagkwento ako ng kung anik anik. Mga paninira sa ibang kaklase. Hahaha. Haha. Joke. Mga pangookray. Haha.Pero. Hindi sya supladita. She talked to us in a nice way. Bakla din pala sya. I mean. Cool sya. Pero real girl talga sya. Baka kasi ma-misinterpret. Haha. I really love her that time. (Bola) haha.

(Stop over at Petron-SLEX.
Chapeux, Me.. and Kaye as Newly-knowned friend that time)

Its so nice also. Ayun. Kwentuhan. Baklaan. Haha. Then.2:30PM. Nasa Caleruega na kami. Starting na ang wedding. Then. The event went smoothly. Picture taking. Shoot here. Shoot don. I am simply amazed again.We she volunteered to take the group picture for us. Okay talga sya. (BOLA) haha.

RECEPTION went well.

Pauwi na kame. Ayun. Nagjojoke na kame. Tinatanong nya ako kung ano daw sa palagay ko ang edad nya. Sabe ko. 45?? 50?? haha. Tawa kami ng tawa. Pero wala naman sa tsura nya ang 45. Hahaha. Joke. Ate na ang tawag ko sa kanya. Pwedeng ALE. MANANG. Hahaha. Joke. She looks so young at her age of 30+. Hahah. Joke. 28 is the real. :)) (UPDATED BA AKO). May sense of humour din ang lola mo. Mali talga ang first impression ko sa kanya. Kwentuhan paren kami maski madilim na. Halos di naubos ang tsismisan. Naku. Malapit na akong bumaba. Sabi ko. STA. ROSA EXIT ako bababa Luwi.

Bumaba na ako. :) I brought all the good memories that time. Despite of the hardships that i experienced that day. There is a positive. A positive person whom may affect your life. Sharing the sweet TOBLERONE CHOCOLATE. The sweetness of that food same to the girl who offered that to me. My all day went well.

Then i texted. "HI. FRANKIE HERE. NICE MEETING YOU TODAY. LOOKING FORWARD TO MEET YOU AGAIN..." by the way.. i forgot the exact message. But i think thats the essence of what i have said to her on my message.

PS.
To Luwi. Hoy. Baka pagselosan mo ako. Hahaha. Arte. I think i cant forget lang the moment..


(picture of 35 years old Kaye. Haha. Joke)

To KAYE MEER. BELATED HAPPY BIRTHDAY! January 02, 2011. May Godbless you more and be the friends of many!

No comments:

Post a Comment

Friends and friends and just friends. :)