Oras na!!

Wednesday, January 05, 2011

Memorable Buildings of 2010.



Hi. I'm back again. Yesterday i wrote about my memorable persons and right now i'm thinking and writing about my memorable buildings of my 2010. Alam ko rin na may mga lugar na minsan mo lang puntahan at naging memorable sa inyo. Bilang arkitekto, ito ang aking bersyon ng mga katangi-tanging gusali at sa aking pananaw na ako ay lubusang namangha sa bawat gusaling aking napuntahan.

Ito ang aking nasa listahan.


(Ang larawan na ito ay aking personal na kuha mula sa aking camera)

Basilica of Nuestra Senora de Penafrancia. Naga City. Camarines Sur. Nagpunta ako sa Camsur noong Abril 09, 2010. Isa itong modernong simbahan na matatagpuan sa gitna ng syudad ng Naga. Maliban dito, may bukod na simbahan na dedicated talga sa Penafrancia - ang Cathedral. Nagpunta ako dito, para na rin magpasalamat at sa aking debosyon sa Ina. Humingi ako ng tulong sa Ina upang makapasa sa Board Exam noong 2009 at ako naman ay kanyang pinakinggan.

(Ang larawan na ito ay aking personal na kuha mula sa aking camera)

Church of Caleruega. Tagaytay City. June 22, 2010, kasal ito ng aming kaibigan na sina Arch. Maan Shayne Rubio kay Vince Pausanos. Alam ko, isa itong hindi ko malilimutang simbahan dahil sa kanyang disenyo. Maganda ang landscapes. Overlooking. Malamig na klima. Alam ko din isa itong magandang pagdausan ng kasalan. 'Dream Wedding Church' ika nga. Bukod sa disenyo, napaka-solemn na lugar din para sa mga kasalan para din sa limitadong panauhin.

(Ang larawan na ito ay aking personal na kuha mula sa aking camera)

Petronas Towers. Kuala Lumpur. Malaysia. Masasabi ko na isa ito sa highlight ng taon ko. At sino bang hindi makakalimot sa gusaling ito sa palabas na "Miss You Like Crazy" ni ate bea at ni kuya john lloyd? Haha. At ang linyang ... "gusto ko kasama kita.. ako din." Kabog! Nung una ko itong makita, napa-OMG! ako. Gosh! Nasa underpass kami noon ng mga friends ko at hinahanap kung saan kami lalabas at pagkakita ko sa taas. Ang towering heights ng Petronas. Architecturally speaking, gawa ito sa stainless steels. OMG. with 88 floors. (thanks to Wikipedia) :) At isa ito sa mga natatanging skyscrapers ng Asia. At ang tanging arkitekto nito ay si Cesar Pelli. At kabilang din sya sa aklat na 1001 Buildings You Must See Before You Die.

(courtesy of Google Images)

Menara Kuala Lumpur (KL Tower). Kuala Lumpur Malaysia. Pangalawa ito sa mga pinakamataas na communication tower sa buong mundo. Nakapunta ami dito subalit hindi kami nakaakyat sapagkat ang pagbisita dito ay by appointment. Sobrang sakit ng paa ko kalalakad nung nagpunta kami dito. Hindi ko masyado naenjoy pa ang ibang lakarin. Halos upo ako ng upo kung saan may upuan. Pero, sa positibong pananaw, napakasaya ko dahil kahit minsan, nakapunta ako sa gantong uri ng gusali na minsan lang din mangyari sa buhay ko. :) Para sa karagdagang impormasyon eto ang link http://en.wikipedia.org/wiki/Kl_tower

(Photo was taken courtesy of Arch. Marivic Morata)

Menara Mesiniaga (IBM Building). Selangor. Malaysia. Masasabi ko na isa itong magandang ehemplo ng bio-climactic design na uri ng gusali na dinisenyo ni Ken Yeang (idolo ni Morata). Kabilang din ang gusaling ito sa aklat na 1001 Buildings You Must See Before You Die.

(Photo was taken courtesy of Arch. Don Robles)

National Library of Singapore. Bugis Junction. Singapore. Yes! First step namen sa Singapore neto. At una naming pinuntahan ang National Library. Salamat sa aming tourint guide na si Archie. Ang gusaling ito ay disenyo ni Ken Yeang na akin din nabanggit kanina na aktibo sa disenyong bio-climactic approach sa arkitektura. Ito ay may 16 na palapag. Para sa karagdagang impormasyon eto ang link http://en.wikipedia.org/wiki/National_Library_of_Singapore.

(Photo was taken courtesy of Arch. Don Robles)

The Esplanade - Theater at the Bay. Marina Bay. Singapore. Gabi na. Patuloy paren ang aming paglalakad. Pagod na ako. Upo ako ng upo kung saan may makitang upuan. Haha. Pero hindi parin natinag ang mga kaibigan ko na makunan ang magandang gusali tulad nito. Ang 'The Esplanade'. Isa itong teatro at concert hall. Ang disenyo ay nasa pagtutulungan ng DPA Architects (local) at Michael Willford Partners (as international consultant). Base sa aking pagkakabasa, ang pormang konsepto nito ay hango sa prutas na 'durian'. Kabilang din ang gusaling ito sa aklat na 1001 Buildings You Must See Before You Die.



Marina Bay Sands. Marina Bay. Singapore. Bangka sa tuktok. Wow. Haha. Masasabi ko na isa ito sa mga dakilang gusali na nakita umpisa palang ng aking paglalakwatsa sa ibayong dagat. Isa rin ito sa natatanging atraksyon ng bansang Singapore, at hindi mo rin akalain na sila rin ay isa sa matatag na ekonomiya sa Asya. Kitang-kita naman. Nagpundar sila turismo para maiangat ang kanilang bansa. Kung inyong pagbabasehan ang history nila noong mga nakaraan. Ibang-iba na sila ngayon. At ako ay lubos na humahanga.





Sana hindi dito nagtatapos ang aking lakwatsa. Sana matuloy ang Thailand at Vietnam adventure namen ngayong taon 2011. Sana makapunta rin kayo sa mga gusaling ito at hindi kayo magsisisi. Mabubusog ang inyong mga mata sa mga tanawin. Magdala rin ng pagkain habang naglalakad. Kulang ang isang araw. Hahaha. Masasabi ko na, ibang iba ang mga gusaling ito sa litrato pag nakita mo ito sa personal. Para sa akin, tangkilikin din ang sariling atin. Pero, in the end. Masaya. Hinding-hindi ko makakalimutan. :)

No comments:

Post a Comment

Friends and friends and just friends. :)