Oras na!!

Thursday, March 24, 2011

Naalala ko nung bata ako...

Yung mga araw na pagkatapos bumuhos ang malakas na ulan sa hapon. Natutuwa akong pagmasdan ang mga nahulog na bulaklak ng sili mula sa puno nito. Hugis bituin kasi. Lumulutang sa naipong malinaw na tubig-ulan. 

Yung mga araw na ako ay naglalaro ng taguan. Nagtago ako sa bahay ng aso. Di ko alam nakatakas si Pido. Kinagat ako. Pinalo pa ako ng mama ko.

Yung mga araw na lagi kong naririnig ang mga lumang awitin. Naiirita ako pag pinapakinggan ko sila lalo na pag pinapatugtog sa lokal na istasyon ng radyo. Ngayon, sila naman ang naiirita pag paulit ulit kong pinapatugtog.

Yung mga araw na lagi akong inaaway at kinukutya ng mga kalaro ko. Lagi nila akong di sinasali sa mga laro. Minsan nalalaman ko kunyari lang nila akong kabati. Tapos mamaya, aawayin nila ako. Lumalayo nalang ako. Ngayon, sila na ang nakikipagkaibigan saken. Weird no.

Yung mga araw na naglalaro ako ng takbuhan, sikyo, siyato at taguan. Lalo na pag sumasali ako sa mga tinedyer o medyo matanda sa akin. Lagi nalang akong saling ketket o saling pusa. Di pwedeng mataya. Kaya di ko naeenjoy maglaro noon. Baket kaya?

Yung mga araw na wala akong brick game. Nakikinood lang sa  mga family computer. Ngayon. Meron na akong PSP. Desktop Computer. Laptop. DS. Ano pa bang mahihiling ko? Xbox? Playstation. Di ko na kailangan. Ako'y tumatanda na at abala sa trabaho. Wala nang panahon para maglibang. Mabilis na ang ikot ng mundo.

Yung mga araw na naglalaro ako ng alugbati. Lalo na yung maitim na tinta nito. Namantsaha ang damit ko. Nakita ng mama ko. Pinalo nya ako.Dahil sa tinta, ang tinta na naging instrumento kung ano ako ngayon. Minsan, namantsahan ulet ang damit ko. Pero di na nya ako pinalo. Dahil Arkitekto na ako.

Salamat sa karanasan. Na nagpatatag sakin, kung ano man at nasan man ako ngayon.

No comments:

Post a Comment

Friends and friends and just friends. :)